11 Pinoy athletes, pasok na sa Paris 2024 Olympics

11 Pinoy athletes, pasok na sa Paris 2024 Olympics

PASOK na sa Paris 2024 Olympics ang 11 Pilipinong atleta.

Ang mga ito ay sina Ernest John Obiena para sa pole vault; Carlos Edriel Yulo, Aleah Finnegan, at Levi Jung-Ruivivar para sa gymnastics.

Para sa boxing ay sina Eumir Marcial, Aira Villegas at Nesthy Petecio; John Ceniza, Elreen Ann Ando at Vanessa Sarno para sa weightlifting; at si Joanie Delgaco para naman sa rowing.

Umaasa ang Philippine Sports Commission na muling uukit sa kasaysayan sa Olympics ang naturang mga atleta.

Magsisimula ang Paris Olympics ngayong Hulyo 26 at magtatapos ito sa Agosto 11.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter