11 stakeholders ng PH Air Force, binigyan ng pagkilala

11 stakeholders ng PH Air Force, binigyan ng pagkilala

BINIGYAN ng pagkilala ng Philippine Air Force (PAF) ang 11 outstanding national stakeholders kasabay ng ika-77 anibersaryo ng pagkakatatag ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.

Ang nasabing seremonya ay pinamagatang Stakeholders’ Night Awarding Ceremony na ginanap sa PAF Multi-purpose Gymnasium, Col Jesus Villamor Air Base sa Pasay City.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Commanding General ng Philippine Air Force na si Lt Gen Stephen Parreño PAF.

Layon nitong kilalanin ang mga naging kontribusyon at suporta ng mga stakeholder na naging susi sa pagkamit ng katagumpayan sa mga misyon ng PAF.

Binigyang diin ni Lt Gen Parreño na dahil sa suporta ng mga stakeholders patuloy na magsusumikap ang PAF na harapin ang mga pagsubok.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble