110 tribo, maaapektuhan sa pag-defund ng NTF-ELCAC

110 tribo, maaapektuhan sa pag-defund ng NTF-ELCAC

NAGPAHAYAG ng kaniyang hinaing ang isang liderato ng katutubo na isang diskriminasyon ang ginawa ng mga senador sa mga IP.

Ito’y matapos mapagdesisyunan ng iilang senador na i-defund ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ikinagalit ng isang lider ng katutubo ang desisyon na ginawa ng mga senador sa pag-defund ng pondo na nagbibigay ng malaking tulong sa mga indigenous peoples (IPs).

Ngayong araw isa sa naging panauhin sa programa ng SMNI na Laban Kasama ang Bayan ay si Lipatuan Joel Unad isang Mindanao Indigenous Council of Elders and Leaders (MIPCEL) Execom ang naglabas ng kaniyang saloobin sa ginawang desisyon ng mga senador sa pag-defund sa budget ng NTF-ELCAC.

Kabilang sa mga senador na gustong tanggalin ang pondo ng NTF-ELCAC ay sina, Sherwin Gatchalian, Grace Poe, Nancy Binay, Joel Villanueva, Risa Hontiveros at Franklin Drilon.

Dagdag pa nito posibleng maging dahilan ng hidwaan ng mga katutubo sa gobyerno ang gagawing pag-defund sa pondo ng Barangay Development Program (BDP).

Kaya naman isang diskriminasyon sa mga katutubo kung maituturing ni Unad ang ginawang hakbang ng mga senador.

Kabilang sa maaapektuhan sa pag-defund ng budget ay ang mahigit isang daang tribo na umaasa  sa pagbabagong dala ng Barangay Development Program sa pamamagitan ng pondo mula sa NTF-ELCAC.

Buong akala naman ni Unad na mag kakaisa ang Senado na tulungan ang mga IPs na umangat sa kanilang buhay.

Kaya naman imbes na patatagin pa ang relasyon ang mga IPs sa gobyerno, mababaliwala lamang ang lahat ng ito kung sakaling matuloy ang pag-defund sa budget ng NTF-ELCAC.

SMNI NEWS