BUMILI mahigit 6,000 square foot ng pribadong lupain ang lokal na pamahalaan ng Maynila upang magamit para sa kanilang socialized housing program.
Tinatayang binili ng Manila LGU ang nasabing private lot na nasa Pasigline sa Sta. Ana sa halagang P111 milyon.
Layon itong ipamahagi sa mahigit 600 pamilyang Manilenyo na benepisyaryo ng “land for the landless”.
Ani Mayor Isko Moreno, bahagi ito ng pagsisiguro ng Manila government na matulungan ang mga bonafide poor, low-income informal settlers at homeless families.
Tiniyak din ni Moreno na magpapatuloy ang pagpupursige ng Manila LGU ma mabigyan ng maayos na tirahan ang bawat Manilenyo.