118 na ruta sa Metro Manila sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3, nagtapos na

118 na ruta sa Metro Manila sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3, nagtapos na

NAGTAPOS na ang Service Contracting Program Phase 3 sa 118 na ruta sa Metro Manila noong Hunyo 16, 2022.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), inaasahan din ang pagtatapos ng 28 pang ruta sa Huwebes, Hunyo 30, 2022.

Habang ang Libreng Sakay sa Edsa Bus way Carousel ay patuloy na magbibigay serbisyo para sa mga commuter hanggang Hulyo 31, 2022.

Matatandaang inilunsad ang Service Contracting Program upang matulungan ang mga operator, driver, at commuter na patuloy na naaapektuhan ang kita dahil sa pandemya at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Batay sa huling tala ng LTFRB noong Hunyo 21, 2022, nakapagtala ng kabuuang bilang na 203,639,626 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng programa mula Phase 1 hanggang Phase 3.

Para sa kabuuang listahan ng mga ruta sa Metro Manila na nagtapos na at matatapos sa Huwebes, maaring bisitahin ang LTFRB official Facebook page.

 

BASAHIN: 71-M commuters, nakinabang sa ‘Libreng Sakay’

 

Follow SMNI News on Twitter