11am-11pm mall hours sa NCR, magsisimula na sa susunod na linggo –MMDA

11am-11pm mall hours sa NCR, magsisimula na sa susunod na linggo –MMDA

MAGSISIMULA na sa susunod na linggo ang pagpapatupad ng bagong mall operating hours sa National Capital Region (NCR).

Ito ay upang maibsan ang inaasahang pagdami ng mga sasakyan ngayong Christmas season.

Sa isinagawang pulong ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mall owners at operators, napagkasunduan ang pagpapatupad ng adjusted mall operations mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi.

Epektibo ito mula Nobyembre 14, 2022 hanggang Enero 6, 2023.

Ayon kay MMDA acting Chairman Atty. Romando Artes, tuwing weekends na lamang din papayagan ang mall-wide sales habang ang deliveries ay maari lamang mula alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga maliban sa pagdeliver ng perishable goods, restaurants serving breakfast, at groceries.

Inatasan din ang mga shopping mall operators na magsumite ng kanilang kanya-kanyang management plans at ilagay ang kanilang mall sales at promotional events, 2 linggo bago ang nakatakdang events.

 

Follow SMNI News on Twitter