11ID nakiisa sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women

11ID nakiisa sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women

NAKIISA ang 11th Infantry Division (11ID) sa ginawang 18-day campaign para tuldukan ang Violence Against Women (VAW) na may temang: “VAW Bigyang Wakas, Ngayon na ang Oras.”

Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Camp Teodulfo Bautista, Brgy. Busbus, Jolo, Sulu.

Ang hakbang ay pinangunahan ng Division’s Gender and Development (GAD) Officer na si Lt. Col. Luicita Clavecillas II at binigyang-diin ang ang mahalagang responsibilidad upang makamit ang ligtas na komunidad at pagiging patas para sa lahat.

Nangako naman ang buong pamunuan ng 11ID na sila ay tulung-tulong kasama ang komunidad sa pagpapakalat ng kamalayan at masawata ang iba’t ibang uri ng karahasan laban sa mga kababaihan.

Kasabay ang pagsiguro sa kanilang dedikasyon para sa seguridad ng bansa at upang itaas ang dignidad at pagkakapantay-pantay ng bawat isa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble