11th OFW and Family Summit, dinumog

11th OFW and Family Summit, dinumog

LIBU-libo ang dumagsa sa 11th OFW and Family Summit ngayong Nobyembre 18, araw ng Biyernes na ginanap sa The Tent sa Vista Global South, C5 Extension Road, Las Piñas City.

Ang pagbubukas ay pinangunahan mismo ni Senador Cynthia Villar na kilalang tagapagsulong ng karapatan ng mga OFWs.

Kasama ng senadora sa pagwelcome ng mga dumalo ay ang kanyang anak na si Las Piñas Congresswoman Camille Villar, Deparment of Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople at OWWA Administrator Arnell Ignacio.

Sa nasabing summit, na bukas para sa lahat ng mga Overseas Filipino Workers at mga pamilya nito, ay inaasahang magbibigay ng pagkakataon na makatuklas ng iba pang oportunidad na maaring pagkakakitaan tulad ng negosyo at iba pang investments.

Malalaking papremyo naman ang naghihintay para sa lahat na nakapagrehistro.

Sila ay may pagkakataong manalo ng house and lot, motorcycle, grocery package, at iba pang gift prizes.

 

Follow SMNI News on Twitter