12-hour duty ng mga pulis sa lansangan, ibinaba sa 8 oras na lamang

12-hour duty ng mga pulis sa lansangan, ibinaba sa 8 oras na lamang

IBINABA ng Philippine National Police (PNP) sa 8 oras mula sa 12 hours ang duty ng mga pulis sa lansangan.

Dahilan dito ay upang mabigyan ng sapat na oras at panahon ang mga pulis sa kanilang mga pamilya sa kabila ng kanilang pagtupad sa kanilang tungkulin.

Ipinag-utos mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil kasunod na rin ng naunang kautusan nito na dagdagan ang mga tauhan nila sa lansangan upang paigtingin pa ang kanilang presensiya kontra krimen at ilegal na droga.

Bagamat sa ngayon ay unti-unti pa nilang pinupunan ang pangangailangan ng 85% police presence mula sa kabuuang bilang nito sa buong bansa.

Isa rin sa mga prayoridad ng PNP ang pagbibigay ng health insurance para sa mga pulis upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble