12 munisipalidad sa Central Luzon, inirekomendang isali sa ‘areas of concern’ ngayong eleksiyon

12 munisipalidad sa Central Luzon, inirekomendang isali sa ‘areas of concern’ ngayong eleksiyon

INIREKOMENDANG isali sa ‘areas of concern’ ngayong midterm elections ang 12 munisipalidad sa Central Luzon.

Ang mga ito ay matatagpuan sa Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, at Pampanga.

Ito’y dahil ayon sa Police Regional Office-3, matagal nang naitatala sa nabanggit na mga lugar ang political rivalry na madalas nagreresulta ng mga madugong insidente.

Binigyang-diin naman ng PRO-3 na tututukan din nila ang natitirang private armed groups sa Central Luzon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter