NANUMPA ang 120 recruits ng Philippine Marine Corps (PNC) na sasailalim sa kanilang marine basic course.
Sinaksihan ni PNC Commandant Major General Arturo Rojas ang oathtaking ng Marine Basic Course Classes 499th at 500th sa Bonifacio Naval Station Grandstand sa Taguig City.
Ayon kay Rojas, dadaan sa pagsasanay ang kandidatong sundalo nang mahasa ang kanilang kaalaman upang maihanda bilang mga miyembro ng militar.
Binubuo ang kandidatong sundalo ng 116 na lalaki at 4 na babae na nagmula sa iba’t ibang lalawigan.
Nabatid na 6 na buwang sasailalim sa pagsasanay ang kandidatong sundalo sa Ternate, Cavite upang maging full-pledged marines.