125 lugar sa Bicol at Eastern Visayas, lubog pa rin sa baha

125 lugar sa Bicol at Eastern Visayas, lubog pa rin sa baha

LUBOG pa rin sa baha ang ilang lugar sa bansa na apektado ng shear line at low pressure area (LPA).

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot ito sa 125 lugar mula sa Bicol at Eastern Visayas.

Habang humupa na ang baha sa 248 lugar partikular sa CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, at ilang bahagi ng Bicol at Eastern Visayas.

Umabot sa mahigit 285,000 pamilya o mahigit 1.1 milyong indibidwal ang naapektuhan ng masamang panahon.

Nakapag-abot na ang gobyerno ng P68.8-M halaga ng tulong kabilang ang family food packs, family kits, hygiene kits, sleeping kits, at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter