126 katao, nasawi sa magnitude 7.1 na lindol sa Tibet

126 katao, nasawi sa magnitude 7.1 na lindol sa Tibet

UMABOT ng 126 katao ang nasawi sa pagyanig ng magnitude 7.1 na lindol sa Tingri County, Tibet, East Asia nitong Martes, Enero 7, 2025.

Nasa 188 katao rin ang naitalang sugatan ayon sa state news agency na Xinhua.

Sa mga video na inilabas ng Ministry of Emergency Management ng China, mahigit isang libong kabahayan naman ang nasira dahil sa lindol.

Samantala, mula nang yumanig ito nitong Martes, alas nuwebe singko ng umaga, Tibet local time ay umabot ng 150 ang aftershocks na naramdaman sa China sa sumunod na siyam na oras.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter