‘ACTIVATED’ na ang nasa 128-megawatt na photovoltaic plants ng renewable energy company na Prime Solar sa Tanauan, Batangas at Maragondon, Cavite.
Mula rito ay mapapalakas pa lalo ang energy sources sa dalawang nabanggit na lugar at mapapanatili pang ‘stable’ ang mga power supply doon.
Mababawasan na rin ang dependency sa coal ng 100K tons ayon sa naturang kompanya.
Tinatayang 84K na mga kabahayan ang nakakabenepisyo sa tinutukoy na 128-megawatt photovoltaic plants.