13 babae na biktima sa human trafficking, nailigtas sa Basilan

NAILIGTAS ang 13 babae na biktima ng Trafficking in Persons (TIP) sa Sitio Gaunan Asibih, Barangay Gaunan, Maluso, Basilan noong Marso 24.

Ito ay sa pamamagitan ng pinagsanib ng puwersa ng Regional Inter-Agency Council Against Trafficking (RIACAT) at Philippine Coast Guard (PCG) .

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na nasa 21 hanggang 41 taong gulang ang TIP victims at residente ng Metro Manila, Nueva Ecija, Quirino, Capiz, Zamboanga del Norte, at Maguindanao.

Nangyari ang nasabing operasyon ng RIACAT sa isang bangka na inihanda para patungo sanang Malaysia kung saan ihahatid ang mga biktima ng trafficking para sa sapilitang pagtrabaho sa iligal na pamamaraan.

Nakatanggap ng tulong ang mga biktima at inihatid ang mga ito sa Maluso Municipal Police Station para sa nararapat na dokumentasyon.

Matapos nito, ay inihatid ang mga biktima sa DSWD Regional Office-IX kung saan ay isinailalim ang mga ito sa swab test at mandatory quarantine bago ibiyahe pabalik sa kani-kanilang mga pamilya.

(BASAHIN: 2 OFW na biktima ng human trafficking, makauuwi na sa Pilipinas)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.