SUMUKO ang 13 New People’s Army (NPA) sa tropa ng 801st Infantry “Bantay at Gabay” Brigade ng 8th Infantry “Stormtroopers” Division sa Barangay Fatima, Hinabangan, Samar.
Sila ay pawang bahagi ng Bugsok Platoon, Sub Regional Committee (SRC) Sesame, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).
Ang kanilang pagsuko ay naging posible sa pamamagitan ng Local Peace Engagement (LPE) Cluster ng Provincial Task Force to End Local Communist and Armed Conflict (PTF-ELCAC) ng Samar.
Ibinaba rin nila ang sampung M16 rifles, dalawang Cal. 45 at isang Glock 17 pistol.
Kasabay nito, ibinunyag ng mga rebelde ang lokasyon ng mga anti-personnel mine, medical paraphernalia, at bala ng kanilang grupo.