POSIBLENG nasa 13 o 16 na tropical cyclones ang papasok o mamumuo sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon.
Ayon sa PAGASA-Climate Monitoring and Prediction Section, posibleng mapaminsala rin ang ibang tropical cyclone.
Pahayag na rin ito ng Weather State Bureau matapos tinatayang magsisimula ang La Niña sa June-July-August season.
Ang El Niño naman ay humihina na at inaasahang magtatapos sa Hunyo.