SINABI ng OCTA Research group na 13 lungsod sa National Capital Region (NCR) ang kasali sa top 15 areas na may “significant” upward trend sa mga bagong COVID-19 cases.
Sa listahan ng monitoring report ng independent team of experts, kasali ang Quezon City, Manila, Pasay, Makati, Parañaque, Taguig, Caloocan, Pasig, Malabon, Valenzuela, Marikina at Navotas ang mga lungsod na nakapagtatala ng matataas na bagong bilang ng kaso ng COVID-19.
Kumukumpleto naman sa listahan ang lungsod ng Cebu, Mandaue at Lapu-Lapu- sa probinsiya ng Cebu.
Sinabi din ng OCTA Research na ang Metro Manila ay kinokonsidera nang “high-risk” na may average na 1,545 new infections araw-araw sa nakalipas na linggo.
Samantala, napagkasunduan naman ng mga mayor sa NCR na magpatupad ng 10 p.m to 5 a.m curfew simula Lunes na magtatagal ng dalawang linggo upang mapigilan ang pagtaas ng COVID-19 cases.
Samantala, ipatutupad sa Metro Manila ang uniform curfew hours simula sa Lunes, Marso 5.
Ito’y matapos magkasundo ang mga alkalde ng Metro Manila na i-adopt ang curfew na alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sa loob ng dalawang linggo.
Bunsod pa rin ito ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).