13 opisyal ng PhilHealth, pinatawan ng preventive suspension ng Ombudsman

13 opisyal ng PhilHealth, pinatawan ng preventive suspension ng Ombudsman

PINATAWAN ng preventive suspension ng Office of the Ombudsman ang ilang dati at kasalukuyang opisyal ng PhilHealth.

Sa dalawang magkahiwalay na kautusan, sinuspinde ni Ombudsman Samuel Martires ng anim na buwan ang labing tatlong opisyal ng PhilHealth.

Kabilang dito ay sina Dennis Mas, Senior Vice President (SVP) for Management Services Sector; Israel Pargas, SVP for Health Finance and Policy Sector; Shirley Domingo, Vice President for Corporate Affairs Group at Rodolfo del Rosario, Legal Sector Chief.

Hindi naman kasama sa sinuspinde si PhilHealth President and CEO Ricardo Morales.

Nilinaw naman ng Ombudsman na walang kinalaman ang pinataw na preventive suspension sa isyung kinakaharap ngayon ng ahensya.

Kamara, tiwalang malulutas ang mga anomaly ng PhilHealth

Samantala, malaki ang paniniwala ni Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor na malulutas ang mga problemang kinasasangkutan ng Philippine Health Insurance Corporation.

Sa naging panayam ng SMNI News kay Cong. Defensor, aniya malinaw na sa kanila ang lahat nang nangyayari.

Punto pa ni Defensor kumpleto rin ang record ng Commission on Audit na magpapatunay sa lahat ng naging transaksyon ng PhilHealth.

Dagdag pa ni Defensor na may mapapanagot na sa kaso ng ahensiya kasunod nang magkakahiwalay na imbestigasyong ginawagawa ng Department of Justice, Commission on Audit at ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.