13 pirasong undocumented lumber, nasabat sa Romblon

13 pirasong undocumented lumber, nasabat sa Romblon

NASA 13 piraso ng undocumented lumber ang nasabat sa San Fernando, Romblon.

Ito ay matapos ang ikinasang join anti-illegal logging operations ng mga otoridad sa Brgy. Campalingo sa nasabing bayan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), tinatayang aabot sa P22,000 ang market value ng mga nakumpiskang kahoy.

Dinala naman ang mga ito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) outpost sa Brgy. Tampayan, Magdiwang para sa safekeeping at proper disposition.

Follow SMNI NEWS in Twitter