LUMAGDA ang 13 senador bilang pagpabor upang talakayin na ang Medical Marijuana Bill sa Mataas na Kapulungan.
Kasunod ito sa isinumiteng committee report ng tatlong Senate Committees gaya ng Health and Demography, Public Order and Dangerous Drugs at Finance.
Dahil dito ay maaari nang isalang sa senate plenary ang panukala para himayin.
Sa ilalim ng panukala, layunin nito na magamit ang marijuana sa medical field partikular na sa mga sakit tulad ng aids, cancer, multiple sclerosis at iba pa.