PORMAL nang magsisimula ang vaccination program ng bansa sa Lunes, Marso 1.
Ito’y matapos ang pagdating sa bansa sa loob ng dalawang araw ng mahigit isang milyong dosis ng COVID-19 vaccine.
Ngayong araw, dumating na sa bansa ang 600, 000 na dosis ng CoronaVax vaccine ng Sinovac Biotech Ltd. mula sa donasyon ng People’s Republic of China.
Inaasahan namang darating sa bansa ang mahigit sa 500,000 dosis ng AstraZeneca vaccine mula sa United Kingdom ngayong Lunes, Marso 1.
Una naman sa priority list na mababakunahan ang mga medical front-liner.
Matatandaan na binigyan na ng Emergency Use Utilization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ng bansa ang kompanya ng Pfizer, AstraZeneca, at Sinovac.
“Ito po ay isang pagpapatunay na ang lahat ng mga bakuna na ating ituturok sa ating mga kababayan ay ligtas at epektibo,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.