14-day lockdown sa Davao Region, nagsimula na

NAGSIMULA ng ipatupad sa Davao Region ang 14-day lockdown kasunod ng banta ng COVID-19.

Epektibo simula 12:00 ng hatinggabi ngayong Huwebes, hindi na basta-basta papayagang makapasok sa probinsya ang mga galing sa karatig-lugar nito.

Sinabi naman ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pagpatutupad ng lockdown ay alinsunod na rin ng napagkasunduan ng mga lokal na pamahalaan sa buong rehiyon upang labanan ang pagkalat ng naturang sakit.

Kaugnay nito, nilinaw ni Inday Sara na maaari nilang bawiin ang lockdown makalipas ang pitong araw depende sa magiging resulta nito.

Batay naman sa taya ng DOH sa Davao Region, isa na ang kumpirmadong kaso sa rehiyon, habang 88 ang patient under investigation at 3,960 ang person under monitoring.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.