14-days COVID-19 leave para sa mga manggagawa, isinusulong

ISINUSULONG ng isang grupo ang 14-day paid leave para sa mga manggagawa na magkakaroon ng COVID-19 dahil sa limitadong vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Julius Carandang, national coordinator ng Metal Workers Alliance of the Philippines (MWAP), nais ng mga manggagawa ang agarang pagsasabatas ng Paid Pandemic Leave Bill.

Ani Carandang, dahil sa vulnerable ang mga manggagawa sa COVID-19 dahil na rin sa kakulangan sa mass testing at limitadong bakuna, dapat ay agad na ipasa ng kongreso ang nasabing batas.

Kung sakaling maipapatupad ang Pandemic Leave Bill, ang mga manggagawang magkakaroon o mae-expose sa katrabaho nitong mayroong COVID-19 ay makakakuha ng 14 days na paid leave.

SMNI NEWS