14 katao, nasawi dahil sa sunud-sunod na pag-atake ng Israel simula Nov. 11

14 katao, nasawi dahil sa sunud-sunod na pag-atake ng Israel simula Nov. 11

14 katao ang nasawi dahil sa pinaka-latest na pag-atake ng Israel sa Gaza nitong Nobyembre 11 at 12, 2024.

Sa breakdown, ang 11 dito ay nasawi noong Lunes sa Khan Younis.

Nitong Martes nang masawi ang tatlong iba pa sa Nuseirat Refugee Camp, Central Gaza.

Sinasabing ang mga pag-atake na ito ng Israel ay kasunod sa ibinunyag ng walong international aid groups na bigong magawa ng Jewish country ang hiling ng Estados Unidos hinggil sa pagpapahintulot ng humanitarian access sa Gaza Strip.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble