14 na biktima ng human trafficking, nailigtas sa Zamboanga City—DMW

14 na biktima ng human trafficking, nailigtas sa Zamboanga City—DMW

SA tulong ng inter-agency rescue operations, nailigtas ang 14 na indibidwal, kabilang ang walong menor de edad, mula sa kamay ng dalawang diumano’y illegal recruiter at human trafficker sa Zamboanga City.

Kinilala ang mga suspek na sina Eufenia Cañete, alyas Inday Cañete, at Aljibar Lakibul Sarani.  Ang mga biktima ay kinabibilangan ng siyam na babae kabilang ang limang menor de edad at limang lalaki kabilang ang tatlong menor de edad.

Ayon sa mga biktima, sila ay pinangakuan ni Cañete na makakapunta at makakapagtrabaho sa industriya ng palm oil sa Malaysia nang walang legal na dokumento.

Simula noong Enero 2025, sila ay naninirahan sa isang barong-barong sa Asinan, Brgy. Talon-Talon, Zamboanga City, na pagmamay-ari nina Cañete at Sarani, habang naghihintay ng kanilang pag-alis patungong Malaysia.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Center ang mga biktima para sa counseling, stress debriefing, at tamang disposisyon.

Nahaharap naman sina Cañete at Sarani sa mga kasong paglabag sa Section 4-A (Attempted Trafficking in Persons) ng Republic Act No. 9208 at Republic Act No. 8042 (Large Scale Illegal Recruitment).

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble