NAGKAROON ng 14 volcanic earthquakes ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras.
Batay ito sa 5am update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong araw, Mayo 20, 2025.
Sa kaparehong udpate, 15 volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Kanlaon sa Negros Islands.
Ang Bulkang Mayon sa Albay ay may 6 rockfall events habang ang Bulkang Taal sa Batangas ay nakapagtala ng 2 volcanic earthquakes kabilang ang 1 volcanic tremor.