140 na karagdagang kaso ng Omicron BA.5 subvariant, naitala sa bansa

140 na karagdagang kaso ng Omicron BA.5 subvariant, naitala sa bansa

NADAGDAGAN pa ng 140 ang kaso ng Omicron BA.5 subvariant sa Pilipinas.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 99 sa mga nagpositibo sa subvariant ay mula sa Region 6, 21 sa Metro Manila, 7 sa Region 4A, 5 sa Region 1, tig-iisang kaso sa Region 3, 5, 7, 8, 10, 4B at Cordillera Administrative Region (CAR) at mula sa isang returning overseas Filipino.

Ayon kay Vergeire, 16 sa mga ito ay fully vaccinated, 3 ang hindi pa bakunado habang beneperipika pa ang vaccination status ng natitirang 121 na kaso.

2 naman aniya sa mga nagpositibo ay asymptomatic, 13 ang nakaranas ng mild symptoms habang beneperipika pa ang natitirang 125 cases.

Ayon sa kalihim, 129 sa mga tinamaan ng BA.5 ang tagged as recovered na, 4 ang sumasailalim pa rin sa isolation habang beneperipika pa ang outcome ng natitirang 7 kaso.

Maliban pa rito, muling nakapagtala rin ang bansa ng mga bagong kaso ng Omicron BA.2.12.1 at BA.4 subvariant.

Ayon kay Vergeirie, mayroong 20 na karagdagang kaso ng COVID-19 Omicron BA.2.12.1 subvariant sa bansa.

Nasa 5 aniya sa bagong kaso ay mula sa NCR, tig-4 sa Region 6 at 4A, 2 sa Cordillera Administrative Region (CAR), isa sa Region 1, at 4 ay returning overseas Filipinos (ROFs).

9 naman aniya dito ay fully vaccinated, isa ang hindi pa bakunado habang beneperipika pa ang vaccination status ng 10 kaso.

Ayon kay Vergeire, 9 sa mga pasyente ay may mild symptoms habang beneperipika pa ang iba.

Gayunpaman, 17 sa mga pasyente ang rekober na habang inaalam pa ang outcome ng 3 kaso.

Sa kabila nito, nananatili pa rin sa “low risk” classification sa COVID-19 ang Pilipinas.

Ito ay kahit pa tumaas sa mahigit isang libo ang daily average ng COVID-19 cases.

Sinabi naman ni Vergeire na nagkakaroon ng pagtaas sa mild cases.

Pagdating sa severe at critical, nakapagtala ang bansa ng 635 admission pero ito ay mababa na raw sa naitala nila noong Marso.

 

Follow SMNI News on Twitter