15% contribution rate sa SSS, epektibo ngayong Enero

15% contribution rate sa SSS, epektibo ngayong Enero

NAGSIMULA na rin nitong Enero 1, 2025 ang 15% na contribution rate ng mga member ng Social Security System (SSS).

10% mula dito ay sasagutin ng mga employer habang ang natitirang 5% ay sasagutin na ng mga manggagawa.

Ang pagtataas na ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11199 na ipinagtibay noong Pebrero 7, 2019.

Sa ilalim ng naturang batas, tataasan ng SSS ang kanilang contribution rate ng one percentage point bawat dalawang taon hanggang aabot na ito ng 15% ngayong 2025.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble