Mga lumabag sa National Security Law ng Hong Kong, binigyan ng gobyerno ng China ng kalayaan na makapag-piyansa ang 15 sa 47 na nakasuhan.
Sa 14 na pagdinig kahapon sa West Kowloon Court, para sa 47 na nakasuhan sa paglabag sa National Security Law, 15 rito ay pinayagang makapag-piyansa.
Ang mga aktibista ay 39 na lalaki at 8 na babae.
Ang lahat ng 47 na aktibista ay mananatili sa kustodiya habang ang Department of Justice ay nag-apela laban sa naganap na piyansa para sa 15.
Ang mga aktibista ay nahaharap sa habambuhay na pagkabilanggo para sa singil sa pagsasabwatan upang gumawa ng pagbabagsak sa pagayos ng aplikasyon ng bagong batas ng pambansang seguridad.
Kabilang sa maga pinayagang makapag-piyansa ay ang dating mambabatas na si Jeremy Tam Man-Ho, Helena Wong Pik-Wan, District Councilor na si Kalvin Ho kai-Ming at mga aktibistang sina Hendrick Lui Chi Hang at Mike Lam.
Ngunit ang labinlima na pinayagan ay hindi maaaring umuwi sa kanilang mga bahay matapos na ipag-utos ng Presiding judge na papalawigin pa nito ang kanilang pananatili sa kulungan batay na rin sa apela ng mga prosecutor na kailangan umanong suriin sa mataas na Korte ang nasabing desisyon.
Bukod sa pagbayad ng aabot sa isang milyon na Hong Kong dollars, kailangan rin ng mga ito na sumunod sa mga kondisyon tulad ng hindi pagsasalita o pagpapakita ng kahit anong hakbang na kontra sa batas ng pambansang seguridad.
Hindi rin sila papayagang umalis ng bahay mula alas dose ng madaling araw hanggang alas syete ng umaga, o lumabas ng Hong Kong, makibahagi sa eleksyon o makipag-ugnayan sa mga Foreign Official.
Kinakailangan rin ng mga ito na isauli ang kanilang travel documents tulad ng British National Overseas Passport at ang pag-report sa Pulisya tatlo o apat na beses sa isang linggo.
Matatandaan na ang 47 na indibidwal na Pulitiko at aktibista ang siyang nag-organisa sa pro-democracy camp primary elections noong buwan ng Hulyo.