15 katao, nasawi dahil sa pagbaha at pagguho sa Davao Region

15 katao, nasawi dahil sa pagbaha at pagguho sa Davao Region

UMABOT sa 15 katao ang nasawi dahil sa pagbaha at pagguho sa Davao Region dulot ng malalakas na pag-ulan.

Ito ay batay sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) as of January 21, nitong Linggo kung saan 8 ang na-validate na.

Limang indibidwal naman ang naitalang nasugatan.

Habang aabot sa mahigit 349,200 katao o 83,174 na pamilya ang apektado.

Pansamantala namang nakasilong ang mahigit 3,600 pamilya o 11,797 indibidwal sa humigit-kumulang 60 evacuation centers.

Habang higit 840 pamilya o mahigit 3,600 katao ang nakasilong sa ibang lugar o sa kamag-anak.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble