15-minute animated film ng Lola Basyang “Bundok Arayat” Story, inilabas ng CCP

15-minute animated film ng Lola Basyang “Bundok Arayat” Story, inilabas ng CCP

INILABAS ng Cultural Center of the Philippines (CCP) ang isang 15-minute animated film kung saan featured ang iconic Filipino character na si Lola Basyang.

Partikular sa inilabas ng CCP ang “Mga Kuwento ni Lola Basyang: Ang mahiwagang bantay ng Bundok Arayat”.

Ang release nitong Linggo, Disyembre 1 ay pauna pa lamang sa magiging pagdiriwang ng centennial anniversary ng “Mga Kuwento ni Lola Basyang”.

Matatandaan na taong 1925 unang nailathala sa weekly magazine na Liwayway ang una ring “Lola Basyang” Story.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble