PINARANGALAN ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang 15 malalaking kompanya dito sa Pilipinas sa katatapos lang na 49th Business Conference and Expo.
Highlight sa 1st Nation-Builders’ Awards ng PCCI ay ang mga conglomerates na nagsagawa ng mga proyektong pang-imprastraktura ng pambansang kahalagahan kung saan sila ay nag-ambag ng extraordinary na suporta sa larangan ng paglikha ng mga trabaho, pag-alis ng kahirapan, at pagbuo ng katatagan at pang-matagalang paglago tungo sa pagkamit ng Vision 2050: The Philippines a First World Economy.
Pinangunahan nina PCCI President, George T. Barcelon at 49th Business Conference and Expo Chairman, Architect Felino Palafox ang naturang awarding ceremony sa mga business leaders’ ng naturang mga kompanya.
Ilan sa mga conglomerates na pinarangalang Nation Builders ay ang:
- San Miguel Corporation
- SM Investments Corporation
- JG Summit Holdings Incorporated
- Ayala Corporation
- Aboitiz Group
- Megaworld Corporation
- DMCI Holdings
- ASIAN Terminal Inc.
- LT Group of Companies
- International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI)
- Converge ICT
- ANFLO Group of Companies
- GT Capital Holdings Inc.
- Alcantara Group
- NGCP – National Grid Corporation of the Philippines
Ayon sa PCCI, ang mga infrastructure project ng naturang mga kompanya ay nakalikha ng pundasyon para sa isang matatag, napapanatili, at inklusibong hinaharap, na naaayon sa Philippine Development Plan ng bansa sa taong 2023-2028.
Mga LGU, susi sa pag-transform ng lokalidad na maging business friendly-hub
Bilang bahagi ng programa, iprenisenta ni Delfin N. Lorenzana, chairperson ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang ilang updates sa construction project ng gobyerno sa New Clark City.
Ibinahagi rin ni Atty. Agnes VST Devanadera, President/CEO, Clark Development Corporation, ang layon nitong i-transform ang lokalidad na maging business-hub friendly.
Ayon naman kay former Saranggani Governor, Miguel Dominguez, malaki ang ginagampanan ng mga alkalde sa pagbubukas ng mga possible investments sa bawat komunidad.