15 OFW mula Lebanon, nakatakdang umuwi ngayong linggo

15 OFW mula Lebanon, nakatakdang umuwi ngayong linggo

PATULOY ang panawagan ng gobyerno ng Pilipinas para sa agarang paglikas sa mga OFW sa Lebanon. Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na 15 OFWs mula Lebanon ang darating sa bansa ngayong Huwebes, Oktubre 3.

Setyembre 26 ang una nilang iskedyul para sa repatriation pero naantala ito dahil sa suspensiyon ng mga biyahe mula sa Lebanon. Sa huling tala, mahigit 400 na mga Pinoy mula sa Lebanon ang nakauwi na sa Pilipinas simula pa noong Oktubre 2023.

Samantala, patuloy ang pagpapaalala ng pamahalaan sa mga Pilipinong nananatili pa rin sa Lebanon.

Sa isang post ng embahada, maraming pagsabog ang naitala sa katimugang suburb ng Beirut dahil sa isang pag-atake ng militar ng Israel sa punong tanggapan ng Hezbollah nitong mga nakaraang araw.

Kaya naman, hinihimok ng Philippine Embassy ng Beirut ang lahat ng mamamayang Pilipino sa lugar na manatiling mapagmatyag. Mangyaring iwasan ang mga lugar na mababasa sa screen.

Mga lugar na dapat iwasan dahil sa patuloy na kaguluhan:

  • Timog Lebanon
  • Timog Suburb ng Beirut (Dahiye):
  • Ghobeiri
  • Haret Hreik
  • Chiyah
  • Borj al Barajneh

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble