MAKATATANGGAP ng tig-P1.5-M na incentive ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Paris Olympics.
Ayon ito sa Philippine Sports Commission (PSC).
Hiwalay pa ito sa naunang anunsiyo ni Sen. Bong Go na tig-P500-K para sa naturang mga atleta.
Maliban pa rito, mayroon pang fundraising na ginagawa para sa 15 kwalipikado sa Paris Games sa pamamagitan ng nakatakdang PSC Golf Cup ngayong Hunyo 14 sa Laguna.
Ang 15 mga atleta ay sina pole-vaulter EJ Obiena; boxers Eumir Marcial, Nesthy Petecio, Carlo Paalam, Aira Villegas and Hergie Bacyadan; gymnasts Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Levi Jung-Ruivivar at Emma Malabuyo; weightlifters Vanessa Sarno, John Ceniza at Elreen Ando; Rower Joanie Delgaco at Fencer Sam Catantan.