NAKATAKDANG ipadala ng Bureau of Customs (BOC) ang 15 unclaimed balikbayan boxes sa mga may-ari nito bago ang Pasko.
Nakipag-ugnayan na anila sila sa Department of Migrant Workers (DMW) para dito.
Inamin ng BOC na marami pa ang unclaimed balikbayan boxes na nasa kanilang kustodiya ngunit 15 lang ang kaya nilang mai-proseso sa ngayon.
Ang mga unclaimed balikbayan box ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay biktima ng consolidators na nangako na mai-deliver ang kanilang mga padala sa kani-kanilang pamilya ngunit isa lang pala itong scam.