NAGKAROON ng 15 volcanic earthquakes ang Bulkang Kanlaon sa Negros Islands batay sa 5 AM update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Biyernes, Enero 10, 2025.
Nasa 2029 tonelada naman ang asupreng ibinubuga ng bulkan at walang patid na pagsingaw at panaka-nakang pag-abo na umabot ng 800 metrong taas.
Samantala, tig-iisang volcanic earthquakes ang naitala ng PHIVOLCS mula sa Bulkang Mayon sa Albay at Bulkang Taal sa Batangas.