150 PDLs sa Bilibid, inilipat sa Leyte—BuCor

150 PDLs sa Bilibid, inilipat sa Leyte—BuCor

INILIPAT sa Leyte Regional Prison ang nasa 150 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa ulat ng Bureau of Corrections (BuCor), Enero 19, 2025 nang makarating sa Leyte ang mga PDL.

Sa ngayon ay mahigit 9K (9,427) na ang kabuuang PDLs na nailipat mula Bilibid papunta sa iba’t ibang operating prison and penal farm.

Ang paglilipat ay bahagi pa rin sa decongestion initiative ng BuCor sa Bilibid bilang paghahanda sa pagsasara nito sa taong 2028.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble