1,500 ARBs, makikinabang sa farm-to-market road sa Guinobatan, Albay

1,500 ARBs, makikinabang sa farm-to-market road sa Guinobatan, Albay

HALOS 1,500 agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang makikinabang sa itatayong farm-to-market road (FMR) sa Guinobatan, Albay.

Ito ang ibinahagi ng Presidential Communications Office (PCO) base na rin sa ulat ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Saad ng PCO, parte ito ng pagpapaunlad ng produksiyon sa naturang lalawigan.

Inilahad naman ng DAR na aabot sa P100-M na pondo ang inilaan ng gobyerno para masimulan at makumpleto ang road project.

Ang nasabing FMR ay malaking tulong sa mga magsasaka sa pagbibiyahe ng kanilang mga ani at produkto.

Target naman ng pamahalaan na matapos ang farm-to-market road project sa lugar ngayong 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter