15M indibidwal target na mabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination Day

15M indibidwal target na mabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination Day

TARGET ng pamahalaan na makapagbakuna ng 15 milyong katao sa gagawing 3-day National Vaccination Day.

Magsisimula ang naturang massive vaccination drive sa November 29 hanggang December 1.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bayanihan ang konsepto ng naturang programa kung saan ang kooperasyon ng lahat ay kailangan.

Makakasama ng pamahalaan ang mga local government unit (LGUs), sandatahang lakas, at pambansang kapulisan, maging ang medical community at religious organizations, ani Roque.

Saad naman ni National Vaccination Operation Center (NVOC) Head Dr. Keiza Rosario nasa 170,000 vaccinators ang kinakailangan para maabot ang 200,000 vaccinators.

Kasama na rito ang mga doktor, nurse, pharmacist, medical technologist at dentista.

Inanunsyo rin ni Roque na obligado nang magpabakuna ang mga empleyado na “on-site” ang trabaho sa mga lugar na sapat naman ang supply ng bakuna simula sa December 1.

Ayon kay Roque, bagama’t hindi maaaring tanggalin ang mga hindi pa bakunadong empleyado, inoobliga silang sumailalim sa regular RT-PCR test o antigen tests na sarili nilang gastos.

Lahat naman aniyang public transportations workers ay dapat fully vaccinated para maipagpatuloy ang kanilang mga operasyon.

Sinabi rin ni Roque na maaaring tanggihan ng mga public at private establishments ang pagpasok o serbisyo ng isang indibidwal na hindi pa bakunado sa kabila ng pagiging eligible sa vaccination.

Habang tuloy naman aniya ang pagbibigay serbisyo o tulong ng mga frontline at emergency services, anuman ang kanilang vaccination status.

Dagdag ni Roque na nagkaisa ang mga local government unit na mag-isyu ng kautusan o mga ordinansa na magbibigay ng insentibo sa mga fully vaccinated individual.

Samantala, ang lahat ng manggagawa na babakunahan sa oras ng trabaho ay hindi ikokonsiderang absent.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.