NAGING matagumpay ang 15th General Election sa Malaysia nitong Nobyembre 19.
Pinalawig ng hari ng bansa ang oras upang patunayan ng bawat kandidato ang kanilang kakayahan na maging punong ministro ng Malaysia.
Nitong Nobyembre 21, naglabas ng abiso ang National Palace hinggil sa 2:00 pm na deadline na ibinigay para sa mga partido upang magsumite ng pangalan ng kandidato para sa magiging ika-10 punong ministro sa naganap na 15th General Election (GE15).
Ayon kay Comptroller of the Royal Household Datuk Seri Ahmad Fadil Shamsuddin, alinsunod sa artikulo 40(2)(a) at artikulo 43(2)(a) ng Federal Constitution ang pagsang-ayon at desisyon ng hari sa pagbuo ng bagong gobyerno at ang appointment ng prime minister.
Sinabi rin ng hari na kailangan ng bansa ang isang pamahalaan na matatag, may awtoridad at may integridad upang protektahan ang kapakanan ng mga tao at isulong ang welfare agenda ng bansa.
Pinayuhan din ng hari ang mga tao at pinuno ng mga partidong pulitikal na igalang ang demokratikong proseso at tanggapin ng mahinahon ang resulta ng GE15 upang mapanatili ang integridad ng bansa.
Samantala, naging matagumpay naman ang natapos na 15th General Election sa bansa.