15th Waterlily Festival, idinaos ng Las Piñas

15th Waterlily Festival, idinaos ng Las Piñas

NAGBABALIK ngayon ang Waterlily Festival ng Las Piñas sa unang pagkakataon simula nang magkapandemya.

Nakakaindak.. makulay… at puno ng saya. Ito ang vibes na mararamdaman sa isinagawa na 15th Waterlily Festival ng Las Piñas.

Bida sa festival ang mga magagandang handicrafts na gawa sa waterlily.

Naging elemento rin ang waterlily sa dance costumes at Filipiniana na inirampa sa mga pa contest na hybrid na isinagawa dahil sa umiiral na pandemya.

Sa Waterlily Festival ay nagpakitang gilas din ang mga kabataan ng kanilang angking talento sa pagsayaw sa Sayaw Kabataan Para sa Kalikasan Dance Contest.

Tampok dito ang grupo ng mga kabataan mula sa iba’t ibang baranggay na naglalaban laban para sa kampeonato.

Para manalo kailangan may kasamang waterlily sa kanilang props, costume o di kaya sa kanilang background.

Nanalo naman bilang grand champion sa Sayaw Kabataan para sa Kalikasan ay ang Baranggay Elias Aldana na nag-uwi ng P30,000.

Mga nanalo sa Sayaw ng Kabataan para sa Kalikasan:

Talon 5 – 2nd Runner Up – P10,000

Manuyo 1 – 1st Runner Up – P20,000

Elias Aldana – Grand Champion – 30,000

Samantala, 20 kababaihan mula sa bawa’t baranggay rin ang nagpatalbugan ng talino at ganda sa ginanap na Ms. Waterlily 2022.

Bahagi ng kanilang contest ang pagrampa na naka-Filipiniana na 100 porsyentong gawa sa waterlily.

Base sa desisyon ng mga hurado ay napili bilang Ms. Waterlily 2022  ay si Therese Glorianne Alamirez ng  Brgy. Pilar na nag-uwi ng P30,000 na may kasamang sash, trophy, at plaque.

Ms. Waterlily 2022

Ms. Photogenic – Brgy. Talon 1

Ms.  Congeniality – Brgy Ilaya

2nd runner up – Brgy. Almanza 1

1st runner up – Brgy. Pamplona 1

15th Ms. Las Piñas Waterlily 2022 – Therese Glorianne Almirex (Brgy. Pilar)

 

Follow SMNI News on Twitter