16.5 milyon, nakapagrehistro ng SIM card –DICT

16.5 milyon, nakapagrehistro ng SIM card –DICT

PUMALO na sa higit 16.5 million (16,566,103) ang nagparehistro na ng kanilang SIM card.

Ito ang naitala ng Department of Information and Communications Technology (DICT) as of January 9, 2023.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DICT spokesperson Undersecretary Anna Mae Yu-Lamentillo na umabot na sa 7,345,879 ang nagparehistro sa Globe Telecom; 7,751,502 naman sa Smart Communications at 1,468,722 sa Dito Telecommunity.

Ang SIM Registration Act ay ginawa para protektahan ang bawat indibidwal lalo na sa mga mobile at online scam, at iba pang mga krimen na nagagawa ngayon dahil walang pagkakakilanlan ang mga SIM.

Sa ilalim ng SIM Registration Law, tinitiyak naman dito na maprotektahan ang mga impormasyon na ibabahagi ng mga SIM subscriber sa Public Telecommunication Entities (PTEs) sa kanilang pag-rehistro.

Follow SMNI News on Twitter