UMABOT sa 16 na infrastructure projects ng pamahalaan ang dapat agarang maipatupad ngayon ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Kabilang dito sa itinuturing na major projects ang North-South Commuter Railway, Metro Manila Subway Project, Metro Rail Transit (MRT) Line 4, MRT Line 7 at Light Rail Transit (LRT) Line 1 Extension.
Kasama rin dito ang new Cebu International Container Port, Philippine National Railways (PNR) South Long Haul, Mindanao Railway at ang New Dumaguete Airport Development.
Ayon sa DOTr, kahit na may binawas sa kanilang pondo ay makakaya pa rin nilang pondohan ang naturang mga proyekto.