17-M na COVID vaccines, nasa warehouses pa; Maaari pang iturok sa mga nais magpabakuna –DOH

17-M na COVID vaccines, nasa warehouses pa; Maaari pang iturok sa mga nais magpabakuna –DOH

AABOT pa sa 17 milyong mga COVID vaccines ang nasa mga warehouse ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, 17,488,050 ang kabuoang COVID doses at maaari pa itong maiturok sa mga Pilipino.

Ang ilan sa mga ito ay mag-eexpire na sa unang quarter ng 2023.

Aabot sa 6 na milyon din ang nasa “quarantined” category dahil inaantay pa ng ahensya ang aplikasyon ng mga manufacturer nito para mapalawig ang shelf life.

Maliban pa rito, may mga stock din namang aabot pa hanggang sa kalagitnaan ng 2023.

Samantala, tinatrabaho na ng DOH ayon kay Vergeire ang pagkuha ng panibagong COVID vaccine supplies.

 

Follow SMNI News on Twitter