NANANATILING ligtas hanggang ngayon ang nasa 17 Pinoy seafarers na naging hostage ng Houthi rebels noong Nobyembre 2023 sa Red Sea.
Ang mga tinutukoy na ito ay ang crew ng MV Galaxy Leader.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac, patuloy naman ang negosasyon nila para mapalaya ang mga hostage.
Ang pang-aatake ng Houthi rebels sa mga barkong dumadaan sa Red Sea ay paraan ng pagpapakita nila ng simpatiya sa Hamas militant group kaugnay sa Gaza war.