SUMADSAD ang isang Vietnamese cargo vessel na may 17 crew sa Barangay Melville sa Balabac, Palawan.
Sa isang pahayag, sinabi ng Armed Forces of the Philippines’ Western Command (WesCom) na nagpaabot ang kanilang Littoral Monitoring Station (LMS) Melville ng humanitarian assistance gaya ng tirahan at pagkain sa mga crew member.
Nakatanggap din ang mga ito ng medical at immigration assistance sa pamamagitan ng local government sa Balabac.
Disyembre 21 nang nakisilong sa Melville ang MV Dolphin 15 dahil sa sama ng panahon at sea condition kung saan nabahura na ito doon.
Nabatid na galing Tacloban ang barko at patungo sa Ho Chi Minh.