AABOT sa 173 seedlings ang itinanim bilang simbolo ng ika-173 na anibersaryo ng probinsya ng La Union.
Ito ay isang ‘simultaneous provincewide tree-planting activity’.
Bilang suporta ito sa panawagan ni Governor Rapfaelle “Rafy” Ortega-David na pagmamahal at pagkakaisa para sa ‘Ayat Fest 2023’.
Ang mga nakilahok sa pagtatanim ay mga iba’t ibang lokal na pamahalaan ng La Union sa pangunguna ng Provincial Government-Environment and Natural Resources (PGENR).
Ang mga itinanim ay iba’t ibang uri ng mga puno sa kanilang mga piniling lugar na tataniman.
Kasabay sa itinanim ay ang 456 puno ng Ylang-Ylang at mayroon din 3004 seedlings na mga fruit-bearing trees na itinanim tulad ng Avocado, Langka, Cacao, Coffee, Chestnut, Lanzones, Rambutan at Mangroves.