NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,783 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Dahil dito, pumalo na sa 582,223 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa Pilipinas hanggang ngayong araw, Marso 3.
Ayon sa DOH, umabot na sa 534,778 ang mga gumaling sa COVID-19 matapos 330 pang mga pasyente ang nakarekober sa sakit.
Nasa 20 naman ang naitalang bagong nasawi kung kaya’y umabot na sa 12,389 ang total ng mga namatay dito.
Habang mayroon pa rin ang bansa ng 35,056 na aktibong kaso kung saan 90.1% dito ang mild, 4.7% ang asymptomatic, 2.2% ang critical, 2.2% ang severe at 0.84% ang moderate.
Walang naitalang bagong kaso ng COVID-19
Samantala, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 cases mula sa mga Pinoy na nasa ibang bansa.
Dahil dito, nananatili sa 15,023 ang mga overseas Filipino na nagpositibo sa coronavirus.
Sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang ngayong araw, Marso 3, nasa 4,547 overseas Filipino ang patuloy na ginagamot.
Nasa 9,455 Pinoy abroad naman ang gumaling na sa sakit habang nasa 1,021 ang total death.
Pinakamarami pa rin na tinamaan ng COVID- 19 ang mga Pilipino na nasa Middle East na nakapatala ng 8,131 na kaso.
Sinundan ito ng Asia Pacific Region na may 2,930 cases, Europe na may 3,087 habang 875 sa Amerika.