180 brgy chairman sa Maynila, nagpahayag ng suporta para sa Duterte Senatorial Slate

180 brgy chairman sa Maynila, nagpahayag ng suporta para sa Duterte Senatorial Slate

SIMULA nang pumasok ang campaign period noong Pebrero 11, kaliwa’t kanan na ang mga nagpahayag ng suporta kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy at sa iba pang pambato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ang mga supporter hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa lungsod ng Maynila, nagsagawa naman ng unity gathering ang nasa 180 na barangay chairman mula sa iba’t ibang distrito ng lungsod para ipakita ang kanilang mainit na suporta sa PDP-Laban Senatorial Slate na kinabibilangan ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Ronald “Bato” Dela Rosa, Christopher “Bong” Go, Philip Salvador, Raul Lambino, Vic Rodriguez, Jayvee Hinlo, Jimmy Bondoc, at Rodante Marcoleta.

Pagtitiyak ng mga barangay chairman, hindi sila papatinag sa negative campaigning o paninira ni Bongbong Marcos Jr. sa kanilang susuportahang kandidato.

Ang mga pambato ng PDP-Laban, isa-isang nagsalita sa harap ng mga barangay chairman.

Mga dahilan kung bakit dapat iboto si Pastor Quiboloy sa May 12 elections, inisa-isa ng kaniyang representante

Sa bahagi ni Pastor Quiboloy, si Boss Dada na kaniyang representante ang humarap kung saan inisa-isa nito ang mga dahilan kung bakit dapat iboto ang Butihing Pastor.

Inilahad rin nito ang mga resibo ng mga kawang-gawa ni Pastor Quiboloy para sa mga Pilipino kahit hindi pa ito nakaupo.

Maging ang mga napagtagumpayan ng kaniyang kongregasyon sa nakalipas na mga taon.

Ang iba pang kandidato ng partido ay inilatag din ang kanilang mga dahilan sa pagtakbong senador at kanilang mga nais gawin.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble